2015 Series/Volume


HOME | DOING AWAY WITH THE "ISSUE" | THE PREVIOUS SERIES/VOLUMES | ABOUT US | CONTACT US



 

Uploaded October 19, 2015

SOME FOCAL LENGTH


 


How Artworks Gain Notoriety:

Isang Belated Defense sa Emergence ng Auction Houses
Bagamat May Pagtatanong Kung Pupuwede Silang Ma-Regulate

photo borrowed from http://cliparts.co/auction-clip-art

 

 

ni Jocel Danton ava Vieira


 

HAY, NAKU. May mga naisulat na tungkol dito. Nariyan ang piece ni Constantino C. Tejero sa Philippine Daily Inquirer na pinamagatang "What To Be Wary About in An Art Auction". Nandiyan din yaong investigative piece ni Jasmine T. Cruz sa BusinessWorld na pinamagatang "Manila's Auction War: Of Ethics and Authenticity". Among others.
     Pero, ngayon, kausapin naman natin ang mga artists bilang critics. Dahil, sa kanilang hanay, may mga nagtatanong din, at mayroon ding mga paratang na ating iisa-isahin. "Local art auctions," ang general na pagtatanong nila, "are they a bane or a boon to the local art industry, market, artists? Salot o kapaki-pakinabang? Bakit?"

 

 



"At 'pag napatunayan naman ng auction system via criticism na tama ang nailapat na presyo doon sa obrang walang katulad, tatahimik na marahil ang mga may pag-suspetsa sa bagong sistema."

 



 

ACCUSATIONS OF FAKE BIDS?
     Sabi ng Australia-based Filipino artist na si C-, "ito ay salot sa mga pintor-artistang walang pang-bid sa kanilang sariling obra, samantalang kapaki-pakinabang sa mga pintor-artistang may pang-bid sa kanilang sariling obra."
     Bakit, kuya C-, may mga artists ba o mga artists' dealers/agents na nagbi-bid sa sarili nilang (o sarili nilang hawak na) obra? Magkano ba ang usual na kailangang pondong pang-bid? Bakit ba kailangan magkaroon ng ganitong pandaraya, kung pandaraya man itong maituturing?
     Sabagay, ginagawa na rin ito sa books business, and it's legal. Sa US, halimbawa, naroon ang ResultSource, isang kompanya na tumutulong sa mga authors/publishers na magka-bestseller. Paano? Basahin dito: "How Many Books Do You Need to Sell to Become a Bestseller?" In essence, ang sinasabi ng article ay ito: "You’ll need to account a budget to buy between 3,000 and 9,000 copies of your book, which can run you up to a couple hundred thousand dollars depending on the cost of your book to either hit the Wall Street Journal or New York Times Best Seller list and you’ll also have to account for their fee, which is typically more than $20,000."
     Kailangan din ba ito gawin sa art? Bakit ito gagawin sa art? Dahil ba sa impression na kung "contra-bida" o "hindi bida" ang isang artista sa auction circuit, walang genuine bidder na magbi-bid sa gawa nito? At kung gayun, masasabi ba nating mga naging bida o ginawang bida lang ang nakikinabang sa auctions, kuya C-? Gayunpaman, lahat ay gugustuhing maging bida rito, kahit gaya-gaya. Pera-pera lang naman yan. Malay nila, kung di man maging successful ngayon, baka sakali bukas.
     But we may only be looking at this as either artists feeling nostalgic about the slow old way or as critics who miss our power, and not rather as businessmen in the art trade for whom the auctions are a faster way of making money for both the business and the chosen artist.
     Sabi pa nga ng Angeles City-based artist na si H-, "alam naman natin na iyang auction ay paraan para umikot ang invesment ng mga collectors sa art. Kasi nga naman walang forever. Mayayaman ang nasa laro. Blessing kung mapabilang ang obra. . . . In the end, negosyo yan."
     There's also the part of the dealer and that of the genuine bidder. Kung makakapagbenta ka ba naman ng obra ng isang mega-bida auction star, aba't siyempre ito ay makakapag-bagong-anyo sa iyo na isang negosyanteng nagbenta nitong painting at sa iyo na collector na bumili ng naturang painting, aside from you, the artist, na gumawa ng painting, di ba, kuya? Parang super-rich at makapangyarihan ang magiging dating mo sa mata ng publiko. Lalong-lalo na kung may bagong provenance na na-attach sa painting, no matter how small a provenance it is.
     Ani painter S-, "pareng Jocel, I think the auctions, as a business, were meant to be a spectacle to anyone who chooses to observe it as either voyeurs, participants, or critics."
     Yes. Methinks, too, the auctions were meant to be a spectacle like a lot of other events in the financial districts are spectacles, like those well-budgeted gadget/device/software launches are spectacles. Naaalala ko tuloy yung mga raket sa Quiapo. Titingin ka sa nagkakagulo. May nagpapahula pala sa mga dumadaang tao kung nasaang nakataob na tasa na ang isang maliit na bolang papel. Ang bilis ng kamay sa pagtulak nito ng maliit na bolang papel paloob at palabas ng bawat isa sa tatlong tasa sa ibabaw ng mesa! Maraming humuhula, maraming tumataya. Dahil may nananalo, tataya ka rin! Huhula ka rin! At pagkatapos maubos ng pera mo sa kakataya, kakapanalo minsan hanggang sa matalo nang lubusan, malalaman mo na lang na lahat pala ng mga tumaya roon ay kasama nung taong mabilis ang kamay! Anak ng . . . spectacular! Ganito rin kaya sa auction houses?
     Sa isang banda naman, bagamat totoong para kay Juan de la Cruz ay hindi siya nababahala kung ano ang nangyayari sa mga multi-million art auctions na iyan (malayo sa buto-buto at no-epek sa kanyang hamak na buhay ang mga ito), ngunit para sa "pintor-artistang walang pang-bid" at nagsisimula pa lang sa kanyang karera, ano kaya ang epekto nito? Siyempre gagawin niyang goal sa career niya ang mapasama sa mga nao-oksiyon. Dahil bukod sa status symbol ang malagay ang isang pintor na katulad ni pintor (o makabili ang isang collector tulad ni kolektor) sa auctions, ang kabaliktaran nito ay 'status-anxiety' para sa mga wala sa auctions, artist o collector man. Kaya, masama ba ang goal na ito?
     Sabi ng artist na si M-, "mabilis itong makapagpayaman sa mga kayang lunukin ang kanilang prinsipyo."
     Ngunit, teka nga muna. Kung may mga fake bids ngang nangyayari sa auctions, ang fake lang do'n ay sa initial bidding part ng fake bidder. Hindi necessarily fake ang valuation sa binebentang art, dahil paano mo mapepeke ang value ng isang artwork gayung halos lahat naman ng artwork ay subjective ang value na nakadepende sa mga tumitingin? At kung fake man ang hype dito mula sa nag-hype at nag-fake bid, hindi necessarily maituturing na unreasonable ang value na inilagay rito sa pananaw ng nagbid na genuine bidder, lalo na kung hindi naman ito pangit. Oo nga't fake ang palabasin mong tomato ketchup ang value ng isang banana ketchup lamang, dahilan na ibenta mo ito sa presyo ng tomato ketchup. Subalit kung itong valuation na ito ay sasang-ayunan naman ng tumanaw na nagbid na genuine bidder, nasaan ang masama roon? Kung masama ang lokohin mo ang isang restaurant customer na masarap ang balat ng saging na isinawsaw sa asukal at tikman niya nga ito at sang-ayunang masarap nga ito, sino ngayon ang naloko?
     Finally, kung masama man ang mag-hype ng mataas na value sa isang bagay na alam mong hindi pa ganun kataas ang value sa iyo bilang dealer ng paintings, ayun sa lumang standards ng kung alin at sino ang dapat mahal na at alin at sino ang dapat mura pa, ano ang pinagkaiba ng gawaing ito sa auctions -- kung totoo mang ginagawa nga ito sa auctions -- sa tradisyonal na hype na ginagawa ng galleries? Wala bang ganitong "pandaraya" o "panloloko" sa traditional way of selling paintings through the gallery's or the dealer's marketing system?
     At sabihin na nating ito ay masama. Aba, e, sino ngayon ang maghuhusga sa kung sino ang susundin ng future market value? Ang nanloko ba o ang nagpaloko? Hindi ba masasabing nagkaroon na rin ng provenance ang isang bagay na ito nang ito ay mapasakamay ng naloko? At, simula roon, hindi ba malilito ang nanloko sa bagong naging value nito sa merkado pag ang naloko naman ang manloko? Dahil, after all, "maloloko" mo lang naman ang isang bidder kung ang obrang pinag-uusapan ay hindi pangit, di ba? Ngunit simula ro'n, baka lumabas na naloko mo lang ang sarili mo sa paniniwalang makakapanloko ka pag nakita mong ang faked high value ng isang bagay na sinimulan mo ay hindi nagtapos sa iyo.
     Ngayon naman, ano pa ang maaaring isa pang alam ng isang pintor, kuya M-, na maaaring salungat sa prinsipyo niya kung kaya't kailangan na lunukin na lang niya ang prinsipyong ito?
     Oo, totoo, manghihinayang tayo sa ibang mga pintor na sa pananaw natin ay deserving na mabigyan ng pagkilala ngunit hindi nakikilala dahil nasasapawan ng mga auction superstars na may hype advantage courtesy of hype experts. Oo, manghihinayang tayo sa mga sadyang hindi binibigyan ng tamang halaga ng mga collectors na bumili sa kanila, samantalang may nakikita marahil tayo na sa pananaw natin ay less valuable na art na nabibigyan ng malaking value sa auctions. Kung kaya't hayun na nga, may nakapagsabi sa atin na marami sa mga kabataang nangangarap na maging pintor ay sadyang ginagaya na lang yung kung ano ang hit na style sa auctions. Dumadami ang copycats, kumbaga.
     Subalit, di ba ganito rin naman ang kalakaran sa gallery system? Mas tahimik nga lang siguro dahil di naman agad milyun-milyon ang usapan, ngunit ganun din. Di ba ang gallery owner at dealer din naman ang nagdedesisyon kung sino ang bibigyan nila ng puwang para sumikat sa art scene at sino ang hindi? Di ba gagawa rin sila ng paraang maiangat ang pinapatronize nilang artist laban sa ibang artist, mas matanda man o bata? At di ba ganito rin naman ang nangyayari sa gallery at dealership system, na pag may naging sold-out na show sa gallery ay gagayahin ang hit style na ito ng ibang pintor para maging sold out din ang show nilang pinapangarap? Nasa artists na siguro iyon. Nasa gallery owner na rin iyon kung papayag siyang mag-show ng mga gawa ng mga followers ng original na ginaya ng copycats.
     Totoo rin na malaking publicity para sa isang pintor na maging manok ng isang sikat na celebrity collector sa auctions. Subalit kahit pa man noong wala pa ang auctions, ganito na rin ang kalakaran sa negosyong ito, di ba?
     Simpleng patronage ng patrons. At ano naman ang masama sa pag-hype sa bid ng isang celebrity bidder? Di ba't tayong lahat ay naeengganyo rin naman talagang kumain sa isang restaurant kung saan naroon ang mga artista sa telebisyon na ating kinagigiliwan, di bale na kung pinapakain lang sila roon ng restaurant owner ng libre para magkaroon ng image ang restaurant? Ano naman ang masama sa advertising kung tanggap naman natin ito sa ating lipunan at kamalayan?
     Again, ang masasabi natin ay itong lahat na pinaparatang nating evil sa auctions ay gawain din naman ng gallery at art-dealership system, kung di man halos karamihan ng industriya sa ating sistemang free enterprise.
     Sabihin na nating may panloloko. Ngunit sasabihin ba natin na ang isang "panlolokong" nagkamal ng isang-libong pisong sobrang kita ay forgivable na evil dahil isang-libong piso lang naman, at ang panlolokong umabot sa milyon-milyon ang kinita ay kasuklam-suklam dahil lamang sa halagang iyon na naabot nito? Ibig sabihin, hindi natin mapapatawad ang pumatay ng dalawang dosena, ngunit ok lang ang pagpatay noong pumatay ng dalawa?
     Saan nga ba nagsimula ang "evils" ng auctions na ating pinaparatang kundi sa "little evils" na ganito noong mga naunang dekada pa at sa not-so-big "evils" na ganun din naman sa gallery at art-dealership system? Ano ba ang ginagawa ng auction houses na di ginawa ng gallery at old dealership systems in their own ways, at least in terms of attitude?
     Uulitin ko, ano nga ba ang masama sa auctions na kaiba sa "masama" na nangyayari sa traditional gallery selling at marketing?
     Dahil lang ba mas spectacular as a spectacle ang auction action kumpara sa gallery? Obscene amounts of money exchanged, kaya mas masama kaysa sa gallery, kahit wala naman silang pagkakaiba sa capitalist attitude ng "lokohan" at manipulations of value upon artists and their art?
     Sa pananaw naming mga nasa lower middle class, ang mga bilyonaryo ay obscenely rich. Ngunit para sa mga mahihirap talaga na isang beses lang kumakain sa isang araw, tayong mga nasa lower middle class ay nakakainggit na rin at obscenely well-off na rin sa kanilang mga mata at sikmura. Sa ganitong logic ng relativity, ano ang pagkakaiba ng obscene pricing ng gallery sa ultra-obscene pricing ng opening bid sa auctions apart from the figures of their obscenity? Again, mahirap naman sabihin na masama ang pumatay ng sampu pero okey lang ang pumatay ng isa.

WHAT ARE SOME OF THESE GALLERY AND DEALERSHIP EVIL SCHEMES?
     Sabi pa nga ni artist kuya M-, "minsan muntik na akong mapapayag nung isang celebrity. Regaluhan ko raw sya ng isang major work at papasikatin niya ako ng husto. Pilit siya nang pilit sa 'kin na bigyan ko raw siya ng ganung gawa ko."
     Minsan naman, sabi ni H-, "taking advantage of their celebrity status, yung collector na natutong magpinta, nakikisawsaw na rin sa market ng artist." At dahil buyer sa gallery, i-so-show rin ng gallery owner.
     Halimbawa pa. Kuwento ni H-, may experience siya at buti na lang ay natulungan siya ni curator Bobi Valenzuela (ng Hiraya Gallery) at hindi nauto. May sikat kasing writer na willing i-handle ang work niya. Every month required siyang magbigay ng work for evaluation do'n sa writer-dealer. After a year daw i-e-exhibit ng writer-dealer ang entire body of works na nasa studio ni H-, subalit yung 12 artworks na sinabmit niya for monthly evaluation ay sa writer-dealer na.
     Sabi rin ng artist na si F-, "true, hirap din magpa-consign sa galleries; owners wouldn't allow us na masapawan sa pricing ang mga seniors ... so this local art world isn't really all about quality, effort, talent; it's all about . . ."
     Itong mga kontrata bang ito na nangyayari sa mga galleries or with art dealers ay makatarungan? Kung hindi, aba'y walang ganito sa auctions. Itong mga valuations ng seniority ba na ito na ginagawa sa mga galleries ay tama? Kung hindi, aba'y walang ganito sa auctions.

WHAT SHOULD BE THE RESOLUTION?
Ani kuya C-, "sa haba ng karanasan ko na pinanday ng mahabang panahon sa pag-aaral at pagpipinta, marahil naman ay alam ko kung sino ang dapat kong hangaan at irespeto sa mundo ng sining."
     Echo naman ng emerging artist na si P-, "as for choice, I say go with your guts. If you are fishing for critical acclaim the old way, then go forth; if you'd like to jive with the auction disco houses, then boogie! If youwant to jive and fish at the same time, hell that's even better ... and we as observers could easily spot the fake duck among the flock naman, we can easily shoot 'em up."
     Tama. Dahil lahat naman ay may hangganan.
     Ano nga ba ang maaaring gawin para ayusin o baguhin ang mga ganitong uri ng kalakaran, sa auctions man o sa gallery at dealership systems? Sa kabuuan, itong lahat ay bunga ng isang padrino system sa sining na ating nakasanayan na. Bakit kailangan bigyan ng pansin at pakialam ito? 'Di kaya mas maganda na sumabay na lang sa agos at mag-pray na lang na bukas ay ikaw na ang maging bagong nasa taas, ikaw na ang maging bagong kinaiingitan ng marami?
     Ano pa nga ba? Dahil, in the end, ganito naman talaga sa isang kapitalistang sistema. Lahat ng valuations ay relative sa indibidwal na consumer, at dahil dito lahat ng valuations ay manipulable din ng capitalist marketing at advertising spin doctors.
     Oo, totoong nakakalungkot isipin ang isang kuwento sa atin ng isang respected na art critic (retired na) na yamot na yamot sa local art scene dahil kababuyan na raw ang nakikita niya kumpara sa nakagisnan niya noong dekada '60s - '70s.
     Subalit di ako naniniwala. Dahil kahit pa man noong dekada '60s hanggang '70s, negosyo na ang art. Kahit pa man noong panahon pa ng mga lumang merchants. Unless may gallerists at dealers noon at ngayon na ang ginagawa ay para sa art lamang, kahit na matalo ang negosyo.
     At sa pagiging evil naman ng certain manipulated (or so we accuse) valuations, sa auctions man o sa gallery system, para maalis na natin ang quotation marks sa word na "evil", wala naman actually tayong makukuhang ebidensya riyan, kasi ganyan talaga ang art valuation, depende yan sa mga nag-va-value. Relative lahat ng valuation, lalo na sa free enterprise at democratic society na may freedom ding mag-hype (as well as magpaloko).
     Walang bagay ang may intrinsic value; lahat ng value ay nanggagaling sa labas ng isang bagay at ayon sa tumitingin, hindi ayon sa tinitingnan, ayun sa Objectivist philosophy ni Ayn Rand. Ibig sabihin, kung isang araw ay may mga mayayamang mag-bid ng milyon milyon sa isang tae ng aso at sa balat ng saging na itinapon ng isang unggoy, aba e pera nila yun. Kung nagpaloko sila sa spin doctor na nagsabing ok na ok ang bago nilang nabiling clothes sa kanya, wala tayong magagawa dahil may karapatan din namang magpaloko ang mga emperador ng lipunan natin tuwing nagpapaloko sila sa mga mananahi ng kanilang new clothes. At kung gusto naman nilang kasuhan ang nanloko sa kanila balang araw, karapatan din nila iyon.
     Isa pa, maaari rin nating tingnan ang auction system bilang isang rebelyon sa lumang art trading system.
     Tanong ni young artist A-, "Sir Jocel, curious lang ho. Kung di ho gaanong hassle para sa inyo, maaari niyo pa ho ba i-expand pa yung statement niyong 'yan na yung auctions ay isa ring rebelyon sa usual traditional gallery process?"
     Sir A-, sabi ko, theory ko lang yon. And by a rebellion, I don't necessarily mean a conscious one. Pero it could be a rebellion firstly against the meager for the attainment of the greener, to use a word na ginamit ni F- in our exchange. Secondly, kung gusto kong palaparin pa ang aking theory of a subconscious rebellion, maaari rin itong rebellion against the painting-collection-based concept of art exhibiting and consequent valuation by a chronology of shows na marahil ay dinisenyo ng art galleries. Sa auctions, tila naibabalik ang one-piece-based approach tulad nung pre-modern period. Ibig sabihin, through a per-piece valuation na hindi vinavalue ayon sa collection o series na kinabibilangan nito. Masama ba 'yon?
     Isa pa. "In what way are these auction houses corrupting the system, as some say?" asked F-. "I still find them very nice, for they can really arouse the interest of, and gather, the rich buyers. And the best part is, there's no discrimination."

HOW IS THE NEW ART TRADE OUT OF CONTROL?
     Let's further the examination. With all these auctions and these online selling that are departing too far away from the old gallery system, can we also say that the trading in art these days is truly getting out of control, as that yamot-na-yamot retired art critic might put it?
     No, I don't see the proliferation of all these various selling formats as manifestations of an art trade getting out of control. I see it all as market valuations setting their own standards independent of a centralized critical valuation by a set of authorities who would prefer that they have sole cartelized control over what should be of value and what shouldn't be.
     F- avers, "I'm saying it's out of control now, Jocel, because some artists already found out via the Net that ... I'm saying we've been respectful of senior artists, so, likewise, we deserve some respect also ... don't tread on us, ... that, please, ... I'm worried if someday there will be a very powerful league of artists controlled by the most powerful, hahaha ... who would be requiring of us their final approval before anyone can sell ... lollin at this abominable thinking, sorry."
     Hmm. If someday there will be a very powerful league of artists controlled by the most powerful. . . . I've heard of wild rumors attesting to this, but they are what they are -- rumors.
     Palawan-based painter B- chips in: "Ayos 'tong topic na 'to, a; pero ang tanong dito ngayon, kuya Jocel, ay kung ano ang merit ng success ng dalawa sa larangan ng 'art', at ang tinutukoy kong dalawa ay yung sumikat dahil sa auctions at yung sumikat through gallery shows? Taking into consideration the success of the likes of Damien Hirst and Jeff Koons, et al. Marami ang naging curious na rin kay Allan Balisi matapos umabot sa mataas na presyo ang kanyang obra sa local auctions. Ano ang pananaw ng art sa kanilang dalawa?"
     Well, may dalawang uri ng success, pren B-. At least two major kinds of success. Market success (known in filmdom as box-office success) and critical success. Minsan ang market success ay may kaakibat na critical success. Ngunit madalas din na ang isang market success ay panned critically and vice versa. Sa gallery shows, may successes at merong failures. Sa auctions, ganun din, may wows, at may hums din naman.
     Ibig kong sabihin, sa kabila ng mga market successes, hindi dapat sukatin ang merit ng isang artist o ng isang work of art ayon sa system by which he/it was traded, in the same way na hindi dapat murahin ang aesthetic quality ng isang obra dahil lamang pinagkaguluhan ito ng mayayaman o di kaya ay inignore sa merkado. I think walang confusion doon.
     So, kung itatanong din natin kung alin ang better success, yung success sa gallery o yung sa auction, . . . well, depende yan sa uri ng success na gusto mo; in short, depende sa anggulo ng naninimbang. Sa isang taong mas mahalaga ang market success sa kanya kaysa sa critical success at nakuha niya itong former type of success sa auction bagamat walang critical success, solb na siya. Ngunit sa isang gutom for critical success sa gallery way at di makamit-kamit ito, baka mag-give up nalang at magpa-auction na rin. :)

A NEED TO REGULATE?
     Ani kuya C-, "sa lipunang ginagalawan ay may operating system, kailangan malaman natin ang mga ito at GAMITIN SA LEGAL NA PAMAMARAAN para sa ating pag-unlad."
     Sabi naman ni artist R-, "I've sold paintings at auction houses and the hammer price I got and the speed of cash transfer will be difficult to match if I had unloaded them in a gallery. What I don't like about auction houses is that it lures in money laundering that results in ridiculous prices, launderers who are not even interested in art. Which makes me wonder if the artists chosen are deserving of that hammer price. Then again, other businesses and the stock market are not free from dirty money, either. But overall I'm for auction houses."
     Ulitin natin: ang lahat ng valuations sa art, maging ng gallery system man o ng auctions, ay subjective, kung kaya't mahirap iregulate yan. Ang tanging forum na lang ng mga naiinis sa success ng isang "di karapatdapat" ay ang forum ng art criticism. And by art criticism I mean the art criticism of everybody, not just those of the professional art critics.
     Bakit kakastiguhin natin ang isang selling system ng mga akusasyon ng pamemeke o pagpapalobo ng presyo o value ng isang baguhan o "di karapatdapat" na artist, at ng pagpapababa ng value ng mga ayaw nito o gusto nitong ibaon, gayung di natin mapapatunayan ito? Ang mapapatunayan lamang natin ay ang value ng isang nabentang trabaho ayon sa masusing analysis ng kritisismo. Oo nga't subjective din ang criticism, subalit ito lang ang paraan na mapapairal natin ang reason over emotion, at ito lang ang paraan na magkakaroon ng talakayan tungkol sa tae o balat ng saging na nabenta ng bagong sistema. At pag napatunayan ng isang uri ng kritisismo na wala ngang kuwenta ang obrang nabenta, marahil ay magbabago na rin ng proseso ang bagong sistema. At pag napatunayan naman ng auction system via criticism na tama ang nailapat na presyo doon sa obrang walang katulad, tatahimik na marahil ang mga may pag-suspetsa sa bagong sistema.
     "Nais lamang natin magkaroon ng magandang sistema sa mga auction houses," ang sabi ni kasamang C-, "para sa ikauunlad at kapakanan ng lahat. Kung walang regulasyon o batas o institution/organisasyon na magmamatyag sa mga ito upang sumupil sa mga mandarayang sugapa sa salapi at kapangyarihan, malamang ay wala tayong pagtatagumpay tulad sa kasalukuyang mga nagaganap."
     Pero sa question ng auctioning as pandaraya, ang problema kasi, kung ang auctioning ay isa ring pandaraya, di kaya ang problema ay naroon sa maraming nagpapadaya? Responsibilidad ba natin sila, silang mga nagpapadaya? O dapat bang huwag na natin silang pakialaman, tulad ng di natin pakikialam sa mga nagpapadaya sa overpriced na burgers sa araw-araw na paggalaw ng kanilang fastfood consumption.
     "Kuya Jocel," sabi ni kuya C-, "hindi ko sinasabi na ang art auctioning itself ay isang pandaraya; ibig kong sabihin ay pinapasok ito ng matatalinong pusakal, mga gahaman sa salapi na walang karapatan upang pasukin ang daidig ng sining. At opo, responsibilidad po ng bawat artista ng sining ang ayusin ang sistema, sapagkat iyan ay ating tungkulin bilang artista. Dahil 'no man is an island', 'ika nga ni ?? ewan. :)"
     Ok. Sige, aaminin ko. Meron akong narinig na tsismis na tila may isang may-ari ng artwork na pina-bid ang pag-aari niyang artwork na ito. Tapos, matapos malamang walang nag-bid sa artwork, tila yata siya mismo ang nag-bid sa pamamagitan ng tawag sa telepono kung kaya't nagkaroon ng katakot-takot na lukso ng presyo. Aba, parang insider trading kumbaga at kontsabahan. Totoo kaya iyon o mali lang ang intindi ko sa kuwento? Sana may taga-auction house na magsabi sa ating imposibleng mangyari ito.
     Pero sabihin nating tama ang dinig ko at totoo nga iyong pangyayaring iyon. Sabi ko nga, kung iyon ay maituturing na lantarang panloloko, gayunpaman ay siguro wala tayong magagawa ro'n kung meron namang nagpapaloko.
     Tapos, nariyan naman ang binulong sa atin ng isang kaibigan na dahil daw sa mga kritisismo niya sa auctions ay parati na siyang tumitingin sa likod niya.      Tanong natin: napapraning lang ba siya o may violence nga bang kaakibat ang negosyong ito? Well, nagtatanong lang naman. Mananahimik na lang kung pagbabantaan. God bless. Allahu akbar.
     Sa pagpalagay ni artist P-, "hehehe, palagay ko ang auction ay isang paraan para ibandera ng isang art promoter ang mga artists na pinopondohan niya at pinapondohan niya sa kanyang mga kaibigang mayayaman. :-) Pero hindi naman lahat siguro. Meron din naman sigurong mga serious collectors talaga na inaabangan ang local auction houses. And yes, pareng Jocel, nabalitaan ko rin iyang phone bidder na sinasabi mo, pero ang tsismis sa Singapore ay iba. Yun daw handler ni artist yung mismong tumawag para manalo sa bid laban sa online bidder na balita ko eh tauhan niya rin. That's how you hype up the market, I suppose, nothing evil in that, just plain old capitalism at work."
     Tama ka, my pren, nothing evil in that, otherwise advertising (the art of designing half-truths that everyone accepts as truths enough) would have to be declared evil, too, along with a thousand other elements in everyday trade and package labeling in our free enterprise system.
     Tuloy ni P-, "it's just a game that rich people play ... a means for some to throw up money na kinurakot nila, some to display opulence, some to live up to the status of being a member of the elite in society. We can't blame them."
     Right. Subalit, ibalik natin ang usapan natin sa rumor na isang theater lang daw ito, na ang raket dito ay sabwatan ng mga kolektor at ng auctioneers para mapataas sa perception ng mga bidders ang value ng mga alaga nilang koleksiyon at pababain sa perception ng mga bidders ang value ng ilang kilala o ilang kalaban ng kanilang mga alaga? Maigi siguro, at panahon na, kung may mga defenders ng auction houses na magpapasinungaling sa posibilidad nito, na marinig ang kanilang panig.
     Dahil kung itong lahat ay totoo, ito kaya ang tinutukoy ni Ka C- na mga gawain ng "pusakal"?
     Sabihin nating itong mga rumors na ito ay paninira lamang sa auction houses. Ngunit interesado rin ako sa kung ano ang gagawin ng auction houses para magarantiya nila sa mga bidders na walang ganitong mga sabwatan at kontsabahan. At marahil nga ay may paraan para maregulate ito, ayon sa gusto sanang mangyari ni Ka C-, dahil nga naman sa reasoning na sa stocks trading ay may regulation din laban sa mga ganitong uri ng pandaraya, kung ituturing nating pandaraya ang ganitong pagmamanipula ng mga manok sa perception ng merkado ng sining. O ikokonsider ba nating normal na kalakaran lang ito ng kapitalismo at nararapat lang na hayaan ng walang pagpoprotesta sa ngalan ng free market?
     "Kuya Jocel," sagot ni Ka C-, sang-yon ako sa regulasyon ng industriyang ito sa pagpapatakbo ng mga auctions habang maaga pa. Too late na ba?"
     "Kuya C-," I called, "bakit too late, wala na ba? :)"
     "Kuya Jocel," tuloy pa ni Ka C-, "medyo tingnan-tingnan mo na rin ang inyong likuran at baka may nakasunod na 'riding-in-tandem' sa iyo. Multi-billion business itong inumpisan mong pag-usapan dito. Yun ngang si Mario Casañas (isang pintor sa Mabini) na na-involve sa mga fake paintings, itinumba sa kaunting halaga dahil nag-whistle-blow siya, ito pang billion-peso segment pa kaya? Lagot ka! Lol."
     Dagdag pa niya, "kuya Jocel, too late kasi naka-ugat na, established na."

WHY ALL THE CLAMOR FOR REFORM? IS IT POSSIBLE?
     It so happens that, aside from the artist and the gallery and the auction house's being posited in their respective places in the industry wherein they have to do their respective jobs for the art industry, we cannot take it away from them that they also belong as individuals or as individual institutions in this community within the industry, and, being such individuals -- irrespective of their job descriptions --, can't be stopped from becoming suspicious of their fellows. I believe that's normal in any other industry, especially in industries within democratic societies where one is allowed to be suspicious and to question. This suspicion is normal even between industries dealing with each other, between businessmen and their clients, between competitors, and so on and so forth. I think some of the issues raised here do not question the abilities of galleries and auction houses to do what they're so good at, abilities that many artists would readily admit they can't do without.
     Some of the issues raised simply have to do with what needs to be regulated in the auction system, although no one has yet proposed how it can be done, where it can be done, much less present a draft of a legislative bill. In short, I think some of the complaints deriving from certain quarters within the art world are not questioning the necessary presence of galleries and art auction houses and their PR firms, and some have even voiced their welcome towards the arrival of these very same auction houses, if they did not overtly express elation at this very same arrival. The grumbles, on the other hand, I believe, simply hope for propriety in how the auctions are done, if only to avoid their abuse by certain individuals, whether by their perception these have already been done before or might possibly be done in the future. I am trying to function as a moderator in this debate, even going so far as to articulate for others what they have long been uttering in many a shadowy corner, in the hope of encouraging them to speak up, and in the hope of getting an answer as regards these suspicions or accusations. Now, in trying to fill this self-appointed role of moderator, let me say that I, as a social liberal and not exactly a fan of free market economics, do empathize with such clamors for regulation. However, having said that, I would be one with everyone in demanding for specifics from the complaining quarters in our community in what it is precisely they would want to regulate. Just to be clear on where we all are and where we all are not on this issue.
     Granted, as other quarters would say, that regulating art auction house procedures would be a tall order, if not impossible. But can we also imagine what a deregulated art trade might produce should abuses within an absence of regulation result in the fruition of a value-bankruptcy? I would aver that the history of regulation has done more good than harm to industries and that it has been deregulation that has churned out unprecedented catastrophes.
     That said, let us also not put our hopes up, if we're for this regulation, since not all proposed regulations are wise regulations. First of all, complaints against the auction system must specify what the complainants want to regulate, and how, so we can see and examine whether these regulations would also result in the deprivation of others' rights or even lead to other abuses or forms of corruption. To speak abstractly for or against regulation or deregulation without the specifics of a distinct proposal would only drive us around in polemic circles over an abstraction.
     Therefore, let's wait for the proposal, if it's ever going to come from somewhere, before we judge it or scoff at it. One thing we might agree on, the idea of it is not deplorable.
     So, now, to end this essay, let's just go over it again. On the one hand there are those like Kuya C- who say, "I believe most of us here have some knowledge about manipulative bidding, somehow or other, used by greedy art investors to increase the prices of their stable artists." And that's a tough accusation.
     Then there are those who testify to certain favorable facets of the auction system and thumb-up their having brought in a democratic landscape of art valuation. Here's what art collector J- has to say about it: "Taste dictates the price. I may like a Gromyko Semper work and bid 1,500/sq. inch for it. And I really don't care if Marcel Antonio is older and more experienced than Semper. If I want it and have the funds to outbid other bidders, then I will, plain and simple. I've done it before and I'll be doing it again."
     But, again, what about those regulations, should someone really push for them?
     Well, I think we should not worry too much about them. Ang regulation ay parang security check lang naman 'yan. It's not a nice feeling to be frisked at entrances, of course, but we must bear in mind that that frisking we're so used to is also what protects us from criminal minds who might be out there waiting for an opportunity to blow our building up.
     Ka C- agrees and quotes The Public Goods Game: "THE MISCONCEPTION: We could create a system with no regulations where everyone would contribute to the good of society, everyone would benefit, and everyone would be happy. THE TRUTH: Without some form of regulation, slackers and cheaters will crash economic systems because people don't want to feel suckers."
     But here's my final paragraph on it. Despite everything we've said here about a possible need for regulation, I doubt that some form of future art market valuation crash would be superseded by whatever could have avoided its occurrence. I believe that, despite their recurrent grumbles, there are more people in the art community who trust the current art trade systems -- including the auction system -- more than they trust any regulation that could put those systems in order to address their very grumbles.
     I wouldn't be surprised. It's hard to be a legislator, after all.
     Let's examine na lang how artist P- laid out in specifics what Ka C- had been pointing at, about "the possible corruption" in the auction system, and then let's start to think how any of those objects of his articulation could be regulated by law. P-: "I am not against nor am totally pro the auction system. But taste can also be dictated. For example, a rich friend buys an artwork by so and so. You being a friend of that 'trendy connoiseur', you would be indirectly influenced by your friend's taste. That's basic. A more complex one follows. If, for instance, an artist is being 'funded' by a group of 'financiers' and word is spread of how 'in demand' that artist is, taste would then be relative to the various/many factors that may cause it. It's mimesis at work. While it's true that it truly is up to the person bidding whether he wants a work bad that leads him to outbid others, we cannot dismiss external influences.
     "As for 'investments', I believe that if for instance a 'bidder' is to hype my price by outbidding others (say, 1500/sq. inch), then I believe it would affect my pricing. I would then be able to adjust my pricing in a way that it is close to the highest price bid on my work. I will now then regulate my works' collectibility by exclusively reducing the number of my production, so that by the law of supply and demand the less 'products' I put out there, the better I can demand higher prices for them. That way, I could 'return' your 'investment' indirectly. That is, of course, if I want my career to grow steadily upwards."
     There you go. Do you see things wrong there? If you do, do you think you can regulate those? Or would you rather just leave suckers to themselves?
     P- adds, "there is indeed a need for regulation, in spite of the fact that auction houses do and will for a long time continue to affect taste and the price rise on works. Taste can be affected by other people's taste, and so on and so forth, factors can be both external and internal, but by regulating nodes of the system, artists can and will be able to affect taste and the hype-ing of their work simply through a knowledge of how a current system transparently operates. Can we hard-wire the systems' mini-sub-ports?" 
[d]

 

------------------------------------------------------------
Jocel Danton ava Vieira is a fictional Filipino critic of Italian and Aruban descent
 

EDIT0RS' ADDENDUM:
An article treating of the same concern, titled "How Auction Houses Manipulate the Prices of Works of Art" was published by the Taipei Times on November 4, 2015.

 


 


 


------------------------------------------------------------
Text © copyright 2015 by diskurso art magazine online.

 

 

 


HOME | DOING AWAY WITH THE "ISSUE" | THE PREVIOUS SERIES/VOLUMES | ABOUT US | CONTACT US


 

LIKE/SUBSCRIBE:

 

 

 
   

 

© 2014-2016 diskurso art magazine online. all rights reserved.

diskurso is an independent, Philippines-based online magazine on art aiming to veer away from a present mental landscape replete with the customary peacock and weasel words that continue to service the art industry.